DEVILLIANNA FIACRA VERNO HINDI ko na talaga matiis ang gutom. Maalala ko, hindi pa pala ako nakapag-lunch kahapon at hindi rin ako naka-kain ng hapunan dahil dumiretso na ako sa kama. Natulog na ako. Hindi ko rin lubos kilala ang lalakeng nagpakilalang rival ni Ferruccio pero pinatulan ko na lang ang offer n’ya kahit hindi ako sigurado. Ang iniisip ko, makakain ako at nandidilim na kasi ang paningin ko. “Is that enough for you?” He brought me to a café and ordered a lot of breakfast dishes. Halos mapuno na nga ang round table kung saan kami pumuwesto. “Magpapaorder ulit ako kung kulang, ayos lang ba?” “Of course, Devillianna.” Doon ko na kinapitan ang kutsara’t tinidor at tinusok na ‘yong malaking sausage. Halos kinalahati ko na nga nang kinagatan ko. Napa-pikit pa ako habang nilal