DEVILLIANNA FIACRA VERNO ILANG segundo siguro akong hindi kumurap at napa-tulala na lang ako sa mga binanggit n’ya. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa silid. Hindi naman ako na-awkward pero parang iyan ang naramdaman n’ya nang mapansin na naka-kapit pala s’ya sa dalawang pulsuhan ko. Doon pumakawala ng matigas na pekeng ubo si Ferruccio at binitawan na ako. “I…” Tumikhim ulit s’ya at mariin na lumunok ng sarili n’yang laway. Bumaba-taas tuloy ang adam’s apple n’ya habang iniiwasan na naman ako ng tingin. “I… never anticipated this.” Binugahan n’ya pa ako ng malalim na hininga. “Are… you serious?" Tumalikod s’ya sa ‘kin at nahagip ko pa ng tingin kung paano n’ya kinuyom ang mga palad n’ya. “It’s all up to you,” pormal n’yang tugon. “’Yan ang naisip kong paraan, you want it, righ