DEVILLIANNA FIACRA VERNO Iyan ang bilin ko sa kan’ya bago ako tumalikod at mabagal na humakbang paalis sa loob ng guest room. Sinara ko agad ang pinto. May narinig akong mga mahihinang ugong sa loob pero hindi ko na iyon pinansin at pumasok na ako sa elevator. Tinap ko ang floor 6 button. Pag-dating ko sa kuwarto ko, pumasok kaagad ako sa bathroom para makapagtoothbrush. Nag-half bath na ako kanina pero ginawa ko ulit. At dahil ayaw ni Ferruccio ng panmalalanding mga kasuotan, mas pinili ko na lang ‘yong balot ang katawan ko para maipakita ko sa kan’ya na wala akong ibang intens’yon. “Hoy, tangek! Bakit mo rito papatulugin si Ferruccio?! Sira ka ba?!” Naka-higa na ako sa kama ko. Akala ko nga si Ferruccio ang naririnig kong parating pero si Lhyne pala. Pumasok s’ya rito sa loob at tu