DEVILLIANNA FIACRA VERNO SA aking mahabang pagkakatulog, dahan-dahan akong humarap kung saan natutulog si Ferruccio. Sinubukan kong kapahin s’ya pero habang naka-pikit ang aking mga mata, kumunot ang noo ko dahil puro kutson, unan at kumot lang yata ang nahahawakan ko. Doon na ako dumilat. Nang hindi ko na mahagilap si Ferruccio, napa-balikwas ako sa pagkakabangon. Parang nawala agad ang antok ko. “Ferruccio? Where are you?” Sinubukan ko s’yang tawagin baka sa kali na nandoon s’ya sa loob ng banyo o sa walk in closet pero hindi ko naramdaman ang presens’ya n’ya roon. Binalingan ko muna ng tingin ang digital alarm clock ko na naka-lapag sa side table. Five zero four pa lang ng umaga. Inalis ko ang kumot na naka-takip sa aking katawan at bumababa ako sa kama. Hinanap ko muna ang bed