BILLIE MALAPIT nang mag-alas otso. Oras na para pumasok ako sa trabaho ngunit wala pa rin kahit anino ni Damian. Hindi pa rin nakakabalik si Clark mula sa bakasyon nito sa Pilipinas. Kaya naman wala akong ibang magawa kung hindi maghintay na dumating si Damian. Wala akong maaaring pag-iwanan ng mga anak ko. Matapos ang nangyari kagabi ay hindi rin ako halos nakatulog. The grim face on Damian's face keeps hunting me all night. Hindi ko alam kung bakit ngunit hindi ako mapanatag at patuloy na binabagabag ng aking konsensya sa tuwing pumapasok sa aking isip ang itsura ni Damian kagabi matapos ang lahat ng aking sinabi. Panay ang sulyap ko sa relo ngunit parang kay bagal nang takbo noon. Natapos ko na lamang pakainin ng almusal at bihisan ang kambal ay hindi pa rin dumarating si Damian. Hin

