BILLIE José has been nothing but a gentleman throughout our date. Nagsimula iyon sa isang simpleng brunch na nasundan pa nang mahabang kuwentuhan hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Malapit nang magdilim nang ihatid niya ako sa tapat ng aking tinutuluyan. Ayaw ko na sanang magpahatid ngunit nagpumilit ito. Sa huli ay wala rin akong nagawa dahil hindi ko matanggihan ang kaibaitan nito. "Thank you for finally agreeing to go out with me," nakangiting turan ni José matapos nitong ihinto ang kanyang sasakyan sa harap ng aking tinutuluyan. "I should be the one thanking you for being nice throughout the day," tugon ko rito. "It's no big deal. But I was hoping that we could do this more often when I came back from my business trip in Italy," saad nito. José is a good man. Kahit i

