BILLIE BAHAGYA nang umalwan ang aking pakiramdam matapos masalinan nang dugo si Dalton. Dahil sa pagiging abala sa pag-aasikaso ng aking anak ay sait kong nakalimutan ang tungkol taong tumulong sa amin para masalinan ng dugo ang aking anak. Bumaling ako ng tingin kay Dalton na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng hospital bed. Bahagya nang humupa ang rashes sa kanyang katawan at pati na rin ang kanyang lagnat. Ang sabi ng doktor kanina nang makausap ko ay baka ilang araw lamang kaming magtagal dito sa ospital kung patuloy ang pagbuti nang kalagayan ni Dalton. Napalingon ako sa mahabang sofa kung saan kasalukuyang nakahiga si Alekhine at mahimbing na natutulog. Mukhang hindi pa ito natutulog nang lumipad ito patungo dito sa Singapore. Madalas itong bumisita sa bahay upang makita ang mga b

