BILLIE KANINA pa ako pabalik-balik nang lakad sa aming sala. Ilang araw ko ring pinag-isipan ang bagay na ito. At kahapon nga ay nakapagdesisyon na akong tawagan si Damian upang ipaalam dito na pumapayag na akong maging parte s'ya nang buhay ng mga anak ko. Ngayon ang huling araw ko nang vacation leave. Bukas ay kailangan ko nang bumalik sa aking trabaho kaya naman tinaon ko ngayon ang araw nang pagbisita ni Damian sa kambal. Hindi naman ako ang ipinunta ni Damian dito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinatatayuan. "Teka nga! Kanina pa ko nahihilo sa 'yo, eh. Kung may boyfriend lang ako, iisipin ko buntis ako, eh. Bakit ka ba hindi mapakali d'yan? Daig mo pa ang sinisilihan ang p'wet," natatawang puna ni Clark

