BILLIE HALOS hindi rin ako nakatulog buong gabi dahil sa magkahalong kaba at pananabik. Parang gusto kong hilahin ang oras upang bumilis ito. Wala na akong ibang nasa isip kung 'di ang masigurong si Damian nga ang lalaking nakita nila sa isla. Buong gabi akong nagdasal na sana ay ito na ang pinakahihintay naming sandali. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung sakaling mabigo kaming muli sa pangalawang pagkakataon. Alas tres ng madaling araw ay muling tumawag si Magnus sa akin upang ibigay ang lokasyon kung saan kami magkikita. Kinakailangan naming sumakay ng maliit na barko mula sa Batangas pier patungo sa liblib at pribadong isla kung saan nila nakita si Damian. Nakakaisang tunog pa lamang ang tawag ni Magnus nang agad ko iyong sagutin. "Hello," mabilis kong bungad kay Magnus. "B

