BILLIE HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako lubusang makapaniwala sa mga nangyayari. Pilit akong nagdadasal na sana ay panaginip lamang ang lahat, isang masamang panaginip. Ngunit ang sakit na aking nararamdaman ay isang patunay na malabong maging isang panaginip ang lahat ng ito. Kasalukuyan kaming nasa loob ng maliit na barko pabalik sa Batangas port. Katabi ni Damian ang babaeng nagngangalang Lucinda habang karga ng babae ang kanilang anak. Ako naman ay nasa tabi ni Magnus. Ang ama ni Lucinda ay nagpasyang magpaiwan na lamang sa isla. Hindi ko maipawasang mapatitig sa kanilang gawi. Parang hinihiwa nang maliliit ang aking puso habang pinapanood ko kung paano giliw na giliw si Damian sa kargang bata ni Lucinda. Ngayon ko lamang lubusang napagmasdan ang bata. Parang gumuho ang aking mun

