Chapter 80

1411 Words

BILLIE SA AWA ng Diyos ay naging matiwasay at payapa ang biyahe namin pabalik ng Maynila. Matapos ang saglit na batuhan namin ni Damian ng mga salita ay hindi na iyon muling naulit. Nanatili kaming parehas na tahimik buong biyahe. Hindi ko na rin sinubukang lingunin ito sa rear view mirror ng sasakyan. Sa wakas ay nakarating na rin kami sa mansyon ni Damian. May kung anong lungkot ang bumalot sa aking puso nang matanaw ko ang bahay na naging tahanan ko sa loob ng dalawang taon. Sa pagbabalik ni Damian, hindi ko na sigurado kung mayroon pa ba akong puwang sa bahay na ito. Nang makapasok kami sa loob ng gate ay agad kong natanaw si Mama Esme at Papa Argus. Halatang-halata ang saya sa mukha ng mga ito habang naghihintay sa amin. Kitang-kita ko ang pagkalat ng pagkalito sa kanyang mukha nan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD