BILLIE HINDI ko na maalala kung nakakailang baso na ako ng alak simula kanina. Malalim na ang gabi at nagsisimula na rin akong mahilo dahil sa aking ininom. Kaya naman juice na lamang ang sumunod kong inorder. "You're not drinking anymore?" takang tanong ni John nang mapansin nitong hindi na ako umorder ng alak. "No. I'm at my limit already," nakangiting tugon ko dito. Marami-rami na rin kaming napagkwentuhan. Magaan ang loob ko sa kanya kaya naman hindi ko na napigilan ang aking sarili na maghinga nang sama ng loob sa kanya. Naikwento ko sa kanya ang sitwasyon ko kay Damian. But of course, I spare the details about me using my body as a payment for my debt. "What? You don't trust me?" tanong nito saka mahinang tumawa. "I just met you today. You're still a stranger. Of course, I don'