SPG-MATURE CONTENT BILLIE NAGISING ako dahil sa malakas na pagkirot ng aking ulo. "F*ck!" tangi kong nasambit nang bumangon ako mula sa kama. This hangover is killing me. Hindi ko na maalala kung nakailang bangon ako kagabi para sumuka sa banyo. "Ouch!" hiyaw ko nang makaramdam ako ng pananakit sa aking binti. Agad kong tinanggal ang kumot at sinilip ang aking binti upang malaman kung anong dahilan ng pagsakit ng aking binti. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang makita kong puno ng pasa ang aking mga hita. Mariin akong pumikit upang pilit na maalala ang nangyari kaninang umaga. Unti-unting bumalik sa aking alala ang mga iilang pagkakataong nabunggo ako sa lamesa o 'di kaya'y bangko sa tuwing tutungo ako sa loob ng banyo upang sumuka. Pakiramdam ko tuloy ay nasa ibang lugar ako.