BILLIE ISANG linggo rin ang iginugol naming dalawa ni Damian sa isla bago kami tuluyang bumalik sa Maynila. Since we left this morning, Damian seems to be cold and distant. Kanina pa ito hindi mapakali kahit noong nasa isla pa lamang kami. "Ayos ka lang ba?" hindi ko na napigilang itanong matapos naming lumapag sa NAIA. "Yes, I'm fine," maikli nitong sagot bago kinuha ang aming mga bagahe mula sa overhead bin. Matapos iyon nauna na itong naglakad papalabas at hindi man lamang ako hinintay. Malalim ang pagkakakunot ng aking noo dahil sa pagtataka. Bahagya akong nakaramdam ng kaba. May kung anong takot ang namamayani sa aking puso sa tuwing aakto nang ganito si Damian. Pakiramdam ko kasi anumang oras ay may hindi magandang mangyayari. "Siguro ka bang ayos ka lang?" muli kong tanong nan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


