BILLIE MARAHAN kong idinilat ang aking mga mata. Bahagya ko pa iyong kinusot nang imbis na dilim ay liwanag mula sa labas ang bumulaga sa akin. Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtanto kong umaga pala. "Good morning, Sweetheart. I came home last night. I didn't have the right to wake up since you're sleeping like a child," bungad na bati ni Damian sa akin. Sa halip na sumagot ay patalon akong bumaba sa kama saka patakbong lumapit sa kumpol ng paper bag na nasa may tabi ng vanity mirror. Ito ang ilang mga gamit na hindi ko na nagawang ligpitin kagabi dahil sa labis na pagod. Dali-dali kong hinanap sa loob ng paper bag ang aking pakay saka patakbong pumasok sa loob ng banyo. Nahagip ng aking paningin ang pagtataka sa mukha ni Damian habang pinapanood ako. Nang makapasok ako sa loob

