BILLIE DAHIL sa labis na pagkalibang ay hindi ko na namalayan ang oras. Malalim na ang gabi nang magdesisyon kami ni Agnes na maghiwalay at umuwi. Kahit papaano ay bahagya kong nakalimutan ang nangyari kanina. Matagal-tagal din mula noong huli kaming nagkasama ni Agnes nang ganito. Muling nanumbalik sa aking alala ang mga panahong simple lamang ang buhay ko. Walang ibang inisip kung 'di ang kung anong raket ang maaari kong pasukin para magkaroon ng pera.Ang buong akala ko noon ay komplikado na ang buhay ko. Hindi ko inaasahan na mayroon pa palang mas komplikadong pangyayari ang magaganap sa aking buhay. Nauna nang umalis si Agnes habang ako ay naghihintay nang masasakyan pauwi sa bahay. Nagbook lamang ako gamit ang car-booking app na naka-install sa aking cellphone. Naka-link iyon sa ca

