NAGTUNGO sila sa Sanctuary Café at tulad nang inaasahan ni Juvy ay maraming mga tao at bisita si Belle. Napakaganda ng lodge cafe na siyang nagsilbing background ng band ni Luke. Gusto niyang lapitan ito para ibalik ang kuwintas dito kaya lamang ay nahihiya siya dahil maraming mga tao. Sandali siyang iniwan ni Hatt para asikasuhin ang mga bisita. Nasa catering siya at nakatayo malapit doon. Naroon din si Cold na nakahalukipkip at busy rin sa pag-aasikaso ng mga pagkain. Nasa malayo naman si Kristal kasama ang mga kaibigan nito. Samantalang si Storm naman ay nakikipag-usap sa mga dalaga na bagong dating. Maraming mga kotse ang naka-park sa ibaba ng bundok. Naisip ni Juvy na iba talaga kapag mayaman, may mamahaling regalo at bongga ang birthday celebration. "Nag-iisa ka na naman?" Inabuta