ISINUOT ni Juvy ang pulang dress na off shoulder at hanggang hita lamang niya ang haba. Umangat ang kaputian niya dahil sa kulay ng kaniyang nito.Kinuha niya sa drawer ang bagong converse shoes niya na ginamit niya noong kasal nila ni Cold. Walang binili si Hatt na sandals para ipares niya sa dress na suot niya kaya white low cut converse na lang ang isinuot niya. Ipinusod niya ang hanggang balikat niyang buhok at saka naglagay ng nude liptint sa kaniyang mga labi. "Taray! Ang ganda mo pala kapag nabibihisan ka, Juvy!" bulalas ni Hatt na nakasuot naman ng long sleeves at pants. Nilalagyan nito ng wax ang buhok nitong brushed cut. "Sobra ka naman, sir!" Ngumiti ito sa kaniya sa salamin. "Huwag kang masiyadong lumayo sa akin." Tumango siya rito dahil parte pa rin iyon nang pagpapanggap