"BAKIT Pascual ang apelyido mo at hindi Garcia?" tanong ni Cold sa kaniya. Magkaharap silang umiinom ng beer nito. Inaya siya nito sa bahay nito at pumayag naman siya. Sa may nakalatag na carpet sa garden sila nakaupo. Nasa paligid nila ang mga beer at mga chips. "Mahabang kuwento, sakitin kasi noong bata kami si Rita. Sabi sa akin ni Lola Conching, baby pa lang ako kinuha na nila ako at isinunod ang apelyido ko kay lola. Sa Tarlac ako tumira at dito naman sa Victoria si Rita. Lumaki siya na kasama ang mga magulang namin habang ako lumaki na malayo sa kanila." Tumingala siya sa langit. "Si Rita ang inalagaan ng mga magulang namin. Noong elementary na kami ni Rita palagi na akong dumadalaw sa mga magulang ko. Palagi ring umiiyak si Rita dahil palaging lalaki ang mga kalaro ko." Pumikit siy