Nagmadaling umuwi si Cold sa bahay nila ni Juvy. Bumuga siya nang malalim bago pumasok sa main door ng kanilang bahay. Nadatnan niya ang kaniyang asawa na natutulog sa may sofa. Nilingon niya ang lamesa na naka-set ngunit tanging mga nakataob na plato at baso na lamang ang laman. Marahan hinaplos ni Cold ang pisngi ng kaniyang asawa. Nagising ito sa kaniyang ginawa at tumingin ito sa kaniya habang kinukusot ang magkabilang mga mata. "Kanina ka pa? Gusto mo bang ipaghain kita?" Tumayo si Juvy at tinungo ang refrigerator kung saan inilabas nito ang tupperware at inilagay iyon sa microwave. Sinundan ni Cold si Juvy at niyakap ito. "Sorry. Hindi ako---" Natigilan siya sa pagsasalita nang mapansin na umiiyak ito at hindi umiimik sa kaniya. Tumunog ang microwave at tinanggal nito ang inilaga