Inayos ni Juvy ang kaniyang mga gamit sa apartment niya sa Dagupan. Inilagay niya ang kaniyang mga gamit sa loob ng maleta niya. Ang iba naman niyang gamit ay inilagay na lamang niya sa Jansport niyang bag. Natapos na rin niyang ilagay sa mga kahon ang mga groceries na hindi pa nagalaw dahil sa biglaang trabahong alok sa kaniya ni Hatt. Naisip niya na makakabawas ang mga iyon sa mga kakailanganin niya sa bagong titirahan niya. Ngayong araw siya magtutungo sa Tarlac para sa trabahong iniaalok ni Hatt. Bukod doon ay may bahay itong ibibigay sa kaniya ngunit parte ng kanilang kasunduan na babayaran niya ang bahay na iyon gamit ang lahat ng ipapasahod nito. Hindi sasayangin ni Juvy ang pagkakataon na ibinigay sa kaniya ni Hatt para ayusin ang sariling buhay niya. Kahit na palagi pa rin niya