"Nagkita na ba tayo dati?" tanong ni Juvy kay Vic dahil hindi niya maalala kung saan niya unang beses itong nakita. Para kasing pamilyar sa kaniya ang lalaki na nasa tabi niya ngayon. "Ito pa lang ang unang beses nating pagkikita, Miss Juvy. Baka may kamukha lang ako na dating kakilala mo," pagbibiro naman nito sa kaniya. "Siguro nga..." bumuga siya nang malalim bago tumayo at magpaalam dito. "Salamat sa pagpapahiram mo sa akin ng panyo. Isasauli ko na lang ito kapag nagkita tayong muli," nakangiting aniya sa binata. "Gamitin mo na lang muna iyan kapag umiiyak ka para maalala mo ako, Miss Juvy." Tumayo rin ito at inayos ang hood ng jacket nitong suot. "Hanggang sa muli nating pagkikita." Makahulugan siya nitong tinignan. Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba si Juvy. Bumalik siya sa