Pinagsisipa ni Cold ang lahat ng mga silya sa loob ng café matapos siyang iwan ni Juvy. Nakahanda siyang bayaran ang lahat ng mga masisira niya dahil sa galit na nararamdaman niya. Para siyang bulkan na sumasabog at walang makakapigil sa kaniya. Hindi niya matanggap kung bakit ganoon na lamang kadali para kay Juvy na isuko ang lahat. Iiwan siya nito dahil lamang napagod ito na unawain at mahalin siya? Kasalanan ba talaga niya kung bakit iyon ang naging desisyon nito? O sadyang nagbago lang talaga ito ng isip at mas pinili nitong iwan siya dahil nagsawa na ito sa kaniya. "Damn!" Nakita niyang pumasok ng café si Storm at inawat siya nito sa pagwawala niya sa loob ng café. "Bro, ano bang nangyayari sa iyo!" pang-aawat sa kaniya ni Storm. Itinulak siya nito nang malakas. "Kasalanan ni Hat