"Tuluyan mo na ba talagang iiwan si Sir Cold, Juvy?" pangungulit sa kaniya ni Raf. Ibinaling niya ang tingin kay Raf. "Sino ba ang may sabi na iiwan ko siya ang tuluyan? Hindi ba p'wedeng ginagawa ko lang ang sa tingin kong makakabuti?" Lumabi si Raf ay hinawi ang maiksing buhok. "Ay gaga talaga! So, kunwari lang na walk out ang drama mo sa buhay?" Nangalumbaba siya sa sandalan ng sofa. Kakatapos lamang nilang kumain ng tanghalian pero parang nagutom siyang muli dahil sa mga tanong ni Raf.. "Bakit ba kasi hindi na lang natin hayaan si Juvy sa mga gusto niyang gawin, Raf. Kaysa naman pigilan natin siya. Hindi tayo ang nasa sitwasyon ng kaibigan natin. Kung ikaw ba ang nasa sitwasyon ni Juvy, hahayaan mo ba ang lalaking mahal mo?" madamdaming tanong naman ni Melody. "Oo!" Mabilis na sag