Lumabas ng kuwarto si Juvy na bitbit ang kaniyang backpack. Kinuha na niya ang lahat ng kaniyang damit. Tumingin siya sa nakasarang kuwarto ni Cold. At bumuga siya nang malalim, hindi na siya mananatili sa buhay ni Cold para lang masaktan. Nang makababa siya ng hagdanan ay nakita niya si Stacey na suot ang damit nito kagabi. Nakaupo ito sa may couch at tila siya ang hinihintay nito. "P'wede ba kitang makausap, Juvy?" "Nagmamadali kasi ako, Stacey. P'wede bang sa ibang araw na lang tayo mag-usap." Tumayo ito at hinarang siya. "Huwag mo sanang isipan ng masama ang nakita mo kanina. Walang nangyari sa amin ni Cold kagabi. It was a mistake na naroon ako sa kuwarto niya," paliwanag nito sa kaniya. Ngumiti si Juvy kay Stacey. Wala na siyang pakialam kung totoo o hindi ang sinasabi nito sa