Nakatingin sa salamin si Kyline habang nakangiti nang malapad. Umaayon sa kaniyang plano ang lahat. Ngayon na malapit na lamang siya sa bahay nina Cold at Juvy. Gagamitin niya ang bagong mukha na ipinahiram sa kaniya ni Gilbert. Ang mukha ng dati nitong asawa na si Veronica Sy na pinatay nito matapos itong magtaksil. Maganda ang mukha ni Veronica, gusto niya ang bago niyang mukha. Nagsisimula pa lamang siya sa kaniyang mga plano para sa mga ito. Hindi na siya ngayon matatalo at gagawin niya ang lahat para makaganti sa mga taong sumira ng kaniyang buhay. Lumapit sa kaniya si Aling Beauty, ang matandang tsismosa na katulong niya. Isang linggo pa lamang ang nakakaraan nang makalipat sila sa Villa Veronica. Inalam ni Kyline ang lahat ng mga ginagawa ni Cold mula sa mga tauhan niya na nakasun