Nagtungo sila ni Cold sa presinto at isinalaysay niya ang mga nangyari sa kaniya. Ngunit ikinubli niya ang ginawa sa kaniya ni Vic. Utang niya rito ang kaniyang kalayaan at at hindi niya gustong pagbayaran nito ang lahat ng mga kasalanan ni Kyline. Naiintindihan niya si Vic kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang pagmamahal sa kapatid nito. Dahil bilang isang kapatid, kaya niyang isakripisyo ang lahat. Kasama niya si Cold na umuwi sa kaniyang bahay para makapagpahinga. Naiwan sina Hatt, Dark at Storm sa presinto. Isinagawa ng mga pulis ang paghuli kay Kyline pati na rin kay Vic na siyang may sala sa pagpatay sa mga security guard sa resort. "Gusto mo bang ipagluto kita? O ipagtimpla ng kape?" Tinanggal ni Cold ang jacket na suot nito at itinupi ang long sleeve. Nagtungo ito sa kaniyang