Nabalitaan ni Juvy na nahuli na ng mga pulis sina Kyline at Vic. Sa susunod na buwan ay haharap ang mga ito sa paglilitis. At nakahanda na si Juvy na sabihin ang lahat ng mga ginawa ni Kyline sa kaniya. Nag-iisa siya sa kaniyang bahay, nagtungo si Cold sa presinto para tignan ang sitwasyon ni Kyline. Hindi siya nito isinama dahil kailangan daw niyang magpahinga. Tinawagan niya ang kaniyang mga kaibigan na sina Raf at Melody dahil mababaliw siya kung wala siyang makakausap. Dumating ang mg ito ilang oras matapos niyang tawagan ang dalawa. Araw ng pasko, at dapat masaya sila ngunit hindi iyon ang nangyari dahil imbes na kasiyahan ay kalungkutan pa rin ang nararamdaman niya. Naaawa siya kay Vi dahil tiyak niyang mas mabigat ang parusang ipapataw ng hukuman dito dahil sa pagpatay nito. "Juv