Tumitig si Cold sa maamong mukha ni Juvy na nakapikit sa kaniyang harapan. Hinagkan niya ang noo nito at saka ito nginitian. "Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa iyo." Pinisil niya ang ilong ni Juvy. Nagmulat ito ng mga mata at tumingin sa kaniya. Namumula ang magkabilang pisngi nito dahil alam niya ang iniisip nito. "Bakit ka ba nandito?" pag-iiba nito ng tanong at lumakad palayo sa kaniya. Inayos nito ang mga nagamit na baso sa lamesa. Halatang naiinis ito sa kaniyang ginawa. "Nandito ako para bisitahin ka at tiyakin na maayos ka rito. At sa nakita ko naman kanina..." Hinuli niya ng tingin ang mga mata nito. "Okay na okay ka." "Nahuli na sina Kyline at Vic pero hindi pa rin nahuhuli si Stacey. Kaya hindi pa ako okay... may nakawalang fashioned model na iba ang ginaga