MAKALIPAS ang ilang buwan ay isinilang ni Juvy ang kanilang anak ni Cold na sina Clyde Drew at Brynt Drei, malulusog ang kanilang kambal na lalaki ni Cold. Dahil malaki ang tiyan ni Juvy ay dumaan siya sa caesarian operation para mailabas ang kamba. Katabi ni Juvy si Cold sa hospital bed habang hawak nito si Drew na siyang unang inilabas niya. Iyakin si Drew habang tahimik naman si Drei na natutulog sa kaniyang tabi. Ilalabas na sila ni Cold sa hospital ngayong araw matapos ang dalawang araw nilang pananatili sa hospital para masigurado ang kaligtasan nilang mag-iina. "Ang guwapo ng mga anak natin, mahal. Lalo na itong si Drew, namana niya ang mga mata ko," nakangiting ani Cold habang masuyong hinahaplos si Drew na natutulog na sa bisig ng daddy nito. "Magiging spoiled iyan sa iyo..."