Pinapanuod ni Cold si Juvy na kumakain ng ice cream sa kaniyang tabi. Habang abala naman siya sa paghahanda ng mga ingredients na gagamitin niya sa paggawa ng cheezy pizza. Unang beses niya itong gagawin at tingin naman niya ay magagawa niya alang-alang sa asawang naglilihi. "Lagyan mo ng watermelon iyong pizza," ani Juvy na nakangiti sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Watermelon?" "Ayaw mo?" Kinagat nito ang kutsara at sumimangot sa kaniyang harapan. Iniluwa nito iyon at tumingin sa kaniya. "Hindi mabubuo ang baby natin kung hindi mo susundin ang lahat ng gusto kong kainin." "Okay... okay..." Ano pa nga ba ang gagawin niya. Hindi niya alam kung ano ba ang lasa ng pizza na may watermelon. "Baka gusto mong gumawa na lang ako ng fruit salad?" pilit ngiting aniya. Mabilis na umil