"Nakasimangot ka diyan, Juvy. May problema ka ba?" tanong sa kaniya ni Melody na nasa kaniyang harapan. May hawak itong fries habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng lamesa. Inubos nito ang mga ini-order niyang pagkain dahil wala naman siyang ganang kumain. Nasa isang fast food chain sila at kasalukuyang nagmemeryenda. Iniwan nila ang auto shop dahil naroon naman sina Hatt at Zainab. May mga dumating pa na mga bagong modelo ng mga sasakyan na si Hatt mismo ang tumitingin. Alas tres ng hapon ng mga oras na iyon, kaunti lamang ang mga taong nasa loob ng kilalang fastfood. "Tungkol na naman ba iyan sa naging usapan ninyo ni Hatt. Huwag mo na lang siyang pansinin, madalas na mainit ang ulo niya dahil siguro sa negosyo." Usisa nito sa kaniya dahil napansin nito na matamlay siya at hindi kumikibo