"Are you okay?" tanong sa kaniya ni Stacey habang inihahatid niya ng tingin sina Juvy ay Melody na paalis ng fast food. "Mukha namang masaya si Juvy, dahil kasama niya si Hatt." "Stacey!" saway niya rito. "Kung talagang mahal ka niya dapat kinausap ka niya tungkol sa tunay na relasyon nating dalawa. Mukha ngang hindi siya nagseselos at balewala ka na sa kaniya. Cold, hindi ka na importante kay Juvy. Hayaan mo na lang siyang maging masaya rito. Sinamahan pa kita rito para lamang mag-aksaya ng oras." "Wala ito sa plano, Stacey. Gusto ko lang makasiguro na hindi totoo ang mga sinabi sa akin ni Kyline." Sumandal si Stacey sa inuupuan nito. "Ginawa ko na ang ipinagawa mo sa akin para pansinin mo ako ulit." "At ginawa ko rin ang bagay na hindi ko dapat ginawa dahil sa galit na nararamdaman