Nasalinan na ng dugo si Cold at naging matagumpay ang operasyon ngunit hanggang ngayon ay comatose pa rin ito at sinusuri ng mga doctor na nasa loob pa rin ng ICU. Umiiyak si Juvy habang nakaupo sa waiting area at naghihintay sa magandang balita ng doctor sa kanila tungkol sa kalagayan nito. Umalis na ang mga kamag-anak ni Cold at narinig niyang iniuwi na ng mga ito si Kristal. Malayo siya sa mga kaibigan ni Cold na kasama niyang naghihintay sa waiting area ng Intensive Care Unit. Pinahid ni Juvy ang kaniyang luha sa mga mata ngunit patuloy pa rin iyon sa pag-agos. Sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil naging makasarili siya. Naalala niya ang kaniyang kapatid na si Rita. Gusto na ba nitong kunin si Cold sa kaniya? Kung kailan alam na niya na siya ang mahal ng binata ay saka pa ito nan