Chapter 21: Letting Go

1485 Words

ALA UNA na ng madaling araw at nananatili pa rin si Juvy na nakaupo sa harapan ng burol ng kaniyang Lola Conching. Ang mga kamag-anak nila ay nasa labas ng bahay at inaayos ang mga gagamitin bukas para sa libing. Nagdesisyon siya na ilibing kaagad ang kaniyang abuela. Pumayag naman ang mga kamag-anak nila sa desisyon niya. "Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Lola Conching." Nilingon ni Juvy ang nagsalita sa kaniyang likuran. Nakatayo roon si Hatt at kasama nito si Storm. Umupo sa kaniyang tabi si Storm at lumapit naman sa may kabaong si Hatt. "Nasa labas si Cold at hindi niya gustong pumasok. Ipinapasabi niya ang pakikiramay niya sa iyo, Juvy," malungkot na sabi ni Storm. Namumugto na ang kaniyang mga mata sa pag-iyak. "Salamat sa pagpunta ninyo rito." Bumuga nang malali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD