IPINASYA ni Cold na puntahan si Juvy sa bahay na tinutuluyan nito sa Tarlac. Magulo man ang kaniyang isipan at pati na ang nararamdaman niya sa dalaga ay mas pinili niya na damayan ito. Nasasaktan siya sa tuwing nakikipag-usap ito kay Hatt. Ngunit kapag naalala niya ang lahat ng ginawa ni Juvy sa kaniya ay galit any nararamdaman niya para rito. Nadatnan niya ang dalaga na nakaupo sa labas ng bahay nito. Lalapitan na sana niya ito nang biglang lumbas si Hatt sa loob ng bahay na may hawak na dalawang beer in can. Nagtago siya sa gilid ng bahay at pinakinggan ang usapan ng mga ito. "Damn," mahinang mura niya habang nakasandal sa gilid ng bahay. "Salamat," narinig niyang sabi ni Juvy. "Ano na ang plano mo ngayon? Pagkatapos ng libing ng Lola Conching mo?" Sandaling katahimikan. Ninanais n