INIHATID siya ni Cold sa boarding house niya dahil pasuray-suray na siya kung maglakad ay inalalayan siya nito. Kahit na alam niya na galit pa Rin ito sa kaniya at halos isumpa siya. Kinuha niya ang susi sa kaniyang bag pero nabitawan niya iyon at sabay nilang pinulot iyon ni Cold sa sahig. Nagtama ang kanilang mga mata ay kaunting pulgada na lamang ang layo ng kaniyang mukha sa isa't isa. Inilayo nito ang sarili sa kaniya at inilalayan siya. "Next time huwag kang iinom ng alak kapag hindi mo kaya. What if ibang lalaki ang idi-nare mo?" sermon nito habang ipinapasok ang susi sa padlock. Halata ang pagiging iretable nito habang akbay-akbay siya. "Yes, sir," nainis niyang sagot kay Cold na mukhang alalang-alala sa kaniya. Nang mabuksan nito ang pinto ay inalalayan siyang maupo nito sa so