Pagkatapos ng dalawang buwan dumating ang araw na pinakahihintay nina Cold at Juvy. Ang unang kaarawan ng kanilang kambal na anak ni Cold. Matagal nilang pinaghandaan ang party at baptismal day ng mga ito. Isang marvel theme ang party ng kanilang kambal. Nagmistulang superman si Drei at si captain America naman si Drew. Guwapong-guwapo ang kanilang mga anak. Dahil summer ay sa Pangasinan nila napiling mag-celebrate ng party ng kanilang anak. Naging mga ninong at ninang ang kanilang mga kaibigan ni Cold. Naging ninang din ng kambal ang matalik niyang kaibigan na si Jeni. Tuwang-tuwang ito sa mga anak niya at nagpadala pa ng malaking cake pareho ng ibinigay na cake ni Storm. Si Hatt naman ang naka-toka sa catering, si Luke sa music at cinematic background na nagbibigay ng buhay sa birthda
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books