Iniikot ni Kyline ang baso sa kaniyang kamay at nilalaro ang yelong nasa loob niyon. Tumawa siya mag-isa habang nakatingin sa mga bago niyang katulong na abala sa paglilinis ng bahay niya. Inaayos ng mga ito ang mahabang table sa may garden. Humahangos na dumating si Homer, ang lalaking inutusan niya para iligpit si Rod. Matapos niyang lasingin ito kagabi at paligayahin ang lalaki ay ipinapatay niya ito. Ang akala marahil ni Rod ay mauunahan siya nito sa kaniyang plano. Nagkamali ito dahil mas demonyo pa siya kay Santanas. Hawak niya ngayon ang buhay nina Juvy at Cold pati na rin ang mga pakialamero nitong kaibigan na wala nang ginawa kun'di pakialaman ang buhay niya. Ngayon na mayaman na siya ay gagawin niya ang lahat ng gusto niya. "Madam Veronica, natakot ko na ang abogado ni Gilbert