MAAGANG umalis ng bahay nila si Cold kasama ang kaibigan nitong si Luke. Naiwan si Juvy at hinihintay ang tawag sa kaniya ni Hatt. Inaasahan niya ang paglabas ng resulta ng forensic autopsy sa katawan ni Kyline. At kung totoo nga na si Kyline ang inilibing nila at hindi ibang tao. Hindi mapakali si Juvy at palakad-lakad sa kuwarto nila ni Cold. Hawak niya nang mahigpit ang cellphone niya. Mayamaya ay tumunog iyon at nakatanggap siya tawag mula sa unregistered number. "Miss Juvy Santillan?" tanong ng isang lalaki sa kaniya. "Sino po ito?" "Si Agent Eric ito ng NBI. Lumabas na ang resulta ng autopsy ni Kyline Alcantara. Dumiretso na lang kayo ni Hatt dito sa office. Hindi ko kasi siya makontak kanina pa." Mabilis na kinabog ang kaniyang puso. "Ta-Tatawagan ko siya, sir. Salamat." Mabili