Gaya nang inaasahan ni Hatt ay kinagat ni Kyline ang kanilang patibong. Napapayag nila si Kyline na sumama kay Cold sa patungo sa Zambales kung saan aalis ang dalawa at napaniwala nilang iiwan ni Cold si Juvy. Ngayon napatunayan ni Hatt na hindi lang sa pagiging musikero ay pagiging babaero magaling si Luke kun'di manggaya ng boses. Kuhang-kuha nito ang boses ni Cold pati na rin ang angas ng pagsasalita nito at paglalambing. Naisip tuloy nila na p'wede nilang magamit si Luke kung kailangan nilang hiramin si Cold kay Juvy. Alas singko ng umaga ay nagtungo na sila sa tulay sa Zambales. Nakaabang na ang mga pulis na sinabihan niyang dumistansiya mula kay Kyline dahil baka bigla itong umalis at mapurnada ang kanilang plano. Matalino si Kyline pero nagiging bobo ito pagdating sa pag-ibig. At