Hindi dalawin ng antok si Cold. Nakatingin lamang siya kay Juvy na nakasuot na ng pantulog. Nasa kaniya-kaniyang kuwarto na ang kaniyang mga kaibigan. Bukas ng umaga ay aalis ang mga ito sa resort. Dadalhin sana niya ng ibang bansa si Juvy para sa kanilang honeymoon pero hindi niya magawang umalis ng may problema silang maiiwan. Ipinasya ni Cold na bumangon sa kinahihigaan at maingat na kinumutan si Juvy. Ito ang unang gabi nila bilang mag-asawa pero imbes na maging masaya ay hindi niya magawa. Takot at pangamba ang kaniyang nararamdaman. Lumabas siya ng kanilang kuwarto at nagtungo sa labas ng resort. Sa may swimming pool area ay nagpasya siyang maglakad-lakad. Nakasalubong niya si Hatt na may dalang dalawang beer. Ibinato nito sa kaniya ang isa at mabilis naman niya iyong nasalo. "Dap