"Bakit ka nandito? At paano mo nahanap ang bagong bahay ko?" sunod-sunod na tanong ni Stacey nang makita siya nito na pumasok sa bago nitong bahay. Nalaman niya sa kaniyang Kuya Vic kung saan ito nakatira. At hindi na nito maitatago sa kaniya na buntis ito. Umupo siya sa round chair at humalukipkip kasabay ng kaniyang pagbunot sa kaniyang baril sa likuran. "Nandito ako para bisitahin ang sister in law ko. Ayaw mo ba akong makita? Ayaw mo rin ba na malaman ko na buntis ka?" nakangisi niyang tanong dito. "Kyline, maayos na ang buhay ko at pinipilit kong gumawa ng tama alang-alang sa baby ko. Huwag mo na sana kaming idamay pa sa kabaliwan mo. Please lang... nagmamakaawa ako sa iyo." Lumuhod si Stacey sa kaniyang harapan. "Gaga! Hindi ako baliw at lalong-lalo nang hindi ako Santo para pagm