Kabanata IV | Estrangharo

1128 Words
Bumalik si Faith sa kaniyang ulirat ng marinig ang mga yabag ng tao papalapit sa van na pinarada niya malapit sa swing sa tapat ng komedor ng bahay ampunan. Malapit roon ang pantry mas madali niyang ma-unload ang mga groceries. She was in deep thoughts of her past a while ago. Akala niya limot niya na ang lahat ngunit ng masilayan niyang muli ang lalaking dulot ng kaniyang kasawian sa pag-ibig ay tila punyal iyon na tumarak muli sa kaniyang puso. Hindi man siya nanonood ng telebisyon ngunit ang mga eksena sa isip ni Faith ay parang pelikulang naka set sa rewind. Sa parte kung saan pinagtaksilan siya ni Danny. Iyon ang mga alaalang nakatatak sa kaniyang isipan. "Sister Luna andito ka na pala. Kumusta si Eze?" tanong ni Jackie. Isa sa mga volunteer sa orphanage." Namumugto yata ang mga mata mo sister Luna. Ayos lang ho ba kayo?" "Maayos lang ako. Napuwing lang ng humangin. Patulong naman sa mga grocery. Babalik pa ako sa hospital walang bantay si Eze. Ibinilin ko lang siya sa nars sa ospital." "Kumusta naman ang lagay ni Eze, sister?" tanong ni Jackie. "Naghihintay pa ng laboratory results. Mag-CT scan pa raw at MRI. Naawa ako sa bata kung pwede lang ako na lang maghirap ‘wag lang si Eze." "May awa ang Dios Sister Luna. Hindi niya pababayaan ang alaga n’yo." "May dahilan ang Dios sa bawat pagsubok. Malalampasan ito ni Eze makakasama pa natin siya ng matagal,” wika ni Faith na pinapalakas ang sarili sa sinapit ng alaga. Hindi napigilan pa ni Faith ang maiyak sa kalagayan ng alaga. Makailang ulit na itong kinunan ng dugo ngunit hindi pa rin malaman ng mga doctor kung anong sakit ni Ezekiel. Matapos maipanhik sa imbakan ng mga pagkain ang dalang grocery galing sa mga Soler. Umalis ulit si Sister Luna patungong ospital. "Hope nandito ka pa rin? Hindi ba't tapos na ang shift mo?" "UmabsentSsister Luna si Freddie may lagnat raw ang anak hindi makakapasok kaya heto 24 hours shift ako ngayon." "Ganoon ba? Bakit ba maraming bata ang nagkakasakit? Kumain ka na ba Hope?" "Hindi pa nga ho, Sister Luna." "Saglit at bibili kita ng makakain." "Naku sister Luna’ wag na. Nagpamigay ho ng pagkain si Dr. Schumer kanina sa lahat ng staff. Wala lang ho ako saglit na kapalit para makakain sana sa pantry." "Ako na ang kukuha ng vitals ng pasyente mo sa ward. Kumain ka na muna." "Eh, sister Luna nakakahiya naman. Sa tuwing pupunta kayo rito ay daig ninyo pa ang full-time nurse mag-asikaso sa mga pasyente." "Sige na kumain ka na. Ako nang bahala. Salamat pala sa pagbantay sa alaga ko." "Walang anuman ho sister kaso hindi naman ho ako nagbabantay kay Eze habang wala kayo. Si Dr. Schumer ho. Ipanalipat niya nga po sa private room si Eze. Room 410 sister,” paliwanag ni Hope. "Ipinalipat kamo? Ipinalipat ng walang pahintulot ng guardian ng bata?" takang tanong ni Faith sa nars. "Eh, sister Luna tumawag ho si Dr. Schumer sa orphanage at nakausap si Mother superior. Alam ninyo ang bait niya ang sabi niya pa nga kanina eh Dan na lamang ang itawag ko sa kaniya. Kaso nakakahiya kaya Dr. Schumer na lang,” ani Hope na may kinuhang brown paper bag sa cabinet at nilapag sa table. "Kumain ka na Hope. Ako na rito." “Sister Luna, pumayag naman ho si Mother Trini ilipat si Eze sa private room. Mas maigi na ho ‘yon sa alaga ninyo mas safe. Si Dr. Schumer raw ang sasagot sa lahat ng gagastusin ni Eze. Tinanong niya pa nga kayo sa akin sister Luna. Bakit ho ba kayo bigla na lang nagmamadaling umalis kanina? Eh, hinabol ho kayo ni Dr. Schumer. Tinatawag ho kayong Faith." Kinuha nito ang patient chart at inabot kay Faith. “Ako ng bahala, Hope. Kumain ka na,” pag-iiba nang usapan ni Faith. "Tatlong pasyente lang sister ang nasa ward. Pagkatapos po ninyo ay pwede na kayong pumanik sa kwarto ni Eze sa 4th floor po. Hinihintay ho kayo ni Dr. Schumer sa kwarto ng alaga ninyo." “Okay, Salamat. Ako na bahala sa pasyente mo. "Eh, sister Luna. Bakit ho kayo tinawag na Faith ni Dr. Schumer?" "Siguro napagkamalan niya lang ako na kakilala niya." "Sister Luna parang kakilala niya rin ho si Mother Trini. Kasi ho aunty ‘yong nasambit niya sa telepono. ‘Di ba ho tiyahin ninyo si Mother Trini? Eh, ‘di ibig sabahin magkakilala kayo ni Dr. Schumer." "Hindi ko siya kilala Hope. Kumain ka na't naghihintay na sa akin si Ezekiel." Masamang magsinungaling dahil alagad siya ng Dios ngunit kailangan niyang pagtakpan ang kaniyang nakaraan. Matapos kumuha ng vital signs Nagdalawang isip si Faith kung pupunta na ba siya ngayon sa kwarto ni Ezekiel o hihintayin niyang makaalis si Danny. Habang nilalagay ni Faith ang patient chart sa nurse quarters bigla na lamang may nagsalita sa likod niya. "Faith?" Nawalan yata si Faith ng dugo sa katawan sa sobrang pagkagulat. Sa pagharap niya sa may ari ng boses ang mukha ni Danny ang kanyang nakita. Wala na itong roba at sthethoscope sa leeg. Nakamaong itong pantalon at pulang polo shirt na kapares ng pulang sapatos nito. Hindi ni Faith namalayan ang sarili na pinagmamasdan niya na pala si Danny ng mabuti. "Baka matunaw ako Faith sa titig mo,”ani Danny. "Mawalang galang na po. Nagkakamali ho yata kayo ginoo. Hindi ho ako si Faith. Sister Luna ho. Ako ho si Sister Luna. Volunteer nurse ho ako rito sa ospital. May maipaglilingkod ho ba ako sainyo? Mangyari’y kailangan ko ng puntahan ang alaga ko. Excuse me,” kinakaban at balisang turan ni Faith kay Danny. "F-faith . . .I-I know it's you. ‘Wag mo naman akong talikuran. Matagal kitang hinanap,Palangga. Please. Kausapin mo naman ako." Tumigil ang mundo ni Faith ng marinig iyon. Hinawakan ni Danny ang kanyang mga kamay at pinagsiklop iyon. Sa pagdikit ng kanilang mga balat ay tila ba may kuryenteng dumaloy sa buong niyang katawan. Bumalik ang lahat ng pait at sakit sakanyang puso na matagal niya ng kinalimutan. "Faith, patawarin mo ako. Tama ka. Kailanman hindi ako natahimik. Faith look at me. Tinupad ko naman ang pangarap natin isa na akong pediatrician. Mahal na mahal pa rin kita Faith Angelie Contreras. Please come back to me." "Patawad. Hindi ko alam ang pinagsasabi ninyo amang at kasalanan ang basta na lamang humawak ng kamay ng isang madre.” Binitawan ni Danny ang mga kamay ni Faith sa pagkarinig ng salitang madre. Nangilid naman sa mga mata ni Faith ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Kailangan niyang magkaila iyon ang nararapat. Hindi pa siya ganap na madre ngunit iyon ang nararapat niyang bigkasin sa dating nobyo upang lubayan siya nito. "Hindi kita kilala. Hindi ho ako ang Faith na hinahanap ninyo. Makikiraan amang kailangan ko nang umalis."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD