Masaya na si Faith Angelie Contreras sa bokasyon na pinasok. Buo na ang kanyang loob na iaalay na lamang ang kanyang buhay sa pagsisilbi sa Dios. Nagmahal siya at nasaktan. Ang bahay ng Dios ang kanyang naging kanlungan ng mahabang panahon.
Siguro nga ay nabulag siya sa sobrang pagmamahal sa nobyo. Umikot ang mundo niya kay Danny. Kahit pinagsasabihan na siya ng mga kaibigan ay hindi siya nakinig sa kanila. Pinaniwalaan niya ang pagiging tapat ng nobyo sa kaniya. Makailang ulit na itong nakita na may kasamang iba subali't nanaig ang lubos na tiwala niya sa binata.
Si Faith ay mabait, mahinhin, masunuring anak, matalino, mapagmahal at mapag-alagang nobya. Guro sa publikong kolehiyo sa Morong, Bataan ang mga magulang niya. Hindi sila mayaman hindi rin mahirap. Sakto at simpleng pamumuhay lamang. Pinamahan ang ama ni Faith ng Tiya Adele nito ng maliit na resort at bahay sa Bataan. Kaya lumipat sila roon mag-mula sa Zambales. Sumama rin sa kanila ang Ninong Solo at Ninang Alina niya pati na rin ang anak na si Danny.
Si Danilo Pedrera ang lalaking lubos na minahal ni Faith higit pa sa sarili. Magkaibigan sila mula nursery. Si Danny na yata ang pinaka-gwapo sa eskuwelahan nila pati na rin sakanilang sitio. Basketball team captain ito at sumasali rin sa modeling at pageants. Matipuno,may napakagwapong mukha, mabait sakanya ngunit masungit sa iba, matalino at matulongin sa magulang. Perfect boyfriend at ideal man ni Faith na maging asawa balang araw.
Datapwa't hanggang matalik na kaibigan lamang ang turing ni Danny sakanya. Isang kapatid na takbohan sa lahat ng kailangan niya. Hindi nawalan ng pag-asa si Faith balang araw ay mamahalin siya ni Danny bilang isang nobya at hindi bilang kapatid o kaibigan lamang.
Dumating nga ang araw na inaasam ni Faith. It was an answered prayer. Gabi-gabi araw-araw pinagdarasal niya na sana'y mahalin rin siya ni Danny. Natupad naman ang hiling niya dahil niligawan siya ni Danny matapos iwan ng half-american nobyang si Candice Ferguson Vargas. Isang anak mayaman, model at artista sa Maynila. Maganda si Candice sobrang ganda. Mistisa, matangkad, balingkinitan ang pangangatawan para siyang goddess of beauty na si Athena. Dapatwa't may aking kagandahan ay siya namang kinapangit ng ugali nito. Maarte, magaslaw, mapanglait, at mata-pobre. Hindi nga alam ni Faith kung paano o kung bakit ni Danny nagustohan ang babae.
Masayang-masaya si Faith na makausap at makasama muli ang kaibigan na ilang buwan niya rin hindi nakita kahit na nga magkapitbahay sila.
"Kumusta ka na, Faith? Long time no see," bati ni Danny kay Faith na umupo sa tabi niya sa ilalim nang mayabong na puno ng mangga.
"Naligaw ka yata rito, Danny," sagot niya sa kaibigan.
"Bakit hindi na ba ako maaring tumambay dito katulad nang dati?"
"Hindi naman sa akin ang lugar na ito kaya puwede ka rito kahit kailan mo gusto."
"Miss na kita, Faith."
"Parang hindi naman. Masaya ka na kay Candice kinalimutan mo nga ang best friend mo."
"Wala na kami mag-iilang linggo na. Pinagpalit niya ako kay Ram. Pinagsabay niya kami."
"Buti naman natauhan ka na. Matagal ka nang niloloko ni Candice. Makailang ulit na nakita ni Mika, Kit at Lian kasama ng nobya mo si Ram. Hindi ko masabi sayo kasi baka isipin mo sinisiraan ko siya sa’yo."
"Hindi na iyon mahalaga. Bumalik na ako, Faith. Hindi na kita muli pang isasangtabi. Hindi ko pala kayang mabuhay na wala ka sa tabi ko, Faith. Nililigawan ka pa ba ni Zed?” malumanay na tanong nito na nakatitig ang mga mata kay Faith.
"Oo, bawal ba? Hindi ba pwede,Danny?" Tanong ni Faith habang sinalubong ang titig na titig na mga mata ng kaibigan.
"Oo. Bawal . . . hindi pwede, Faith. Dahil akin ka lang. Hindi ako papayag na mapunta ka kay Zed. Faith, please, tayo na lang."
"Sigurado ka ba, Danny? Baka nasasaktan ka lang sa pag-iwan sa'yo ni Candice? Ayokong maging rebound. Sabi ni Mika at Lian ganyan ang mga lalaki mabilis mahulog sa iba pagkatapos makipag-break up."
"’Di ba mahal mo ako?"
"Oo Danny, mahal kita. Mahal na mahal. Kahit hindi naman maging tayo mamahalin pa rin naman kita. Magkasama na tayo mula pagkabata walang hihigit pa sa samahan natin. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Pag-isipan mo muna ‘yang tanong mo."
Iniwan ni Faith si Danny mag-isa sa kanilang dating tambayan.
Kinabukasan nabigla si Faith sa pagdalaw ni Danny sa bahay nila na may dalang mga rosas at tsokolate. May dala rin itong buko pie na paborito ng kanyang Nanay Elisa at lambanog naman sa kanyang Tatay Ruben.
"Anong ginagawa mo ritong bata ka at ano ang mga yan? Nanliligaw ka ba kay Faith?" tanong ng tatay ni Faith.
"Tay Ruben. Nay Elisa. Aakyat po ako ng ligaw kay Faith." Sagot ni Danny habang umupo sa pangisahang supa.
"Kayong dalawa. Bakit pa kayo magliligawan? Simula pagkabata eh alam na namin na kayo rin ang magkakatuluyan mga anak," turan ni Elisa.
"Para sayo Faith."
Ibinigay ni Danny kay Faith ang dalang palumpon ng pulang rosas at tsokalate at hinalikan ang dalaga sa noo. Nagkatinginan sila nang ilang minuto bago kinuha iyon ni Faith. Inamoy amoy niya pa ang mga bulaklak. Nakaguhit ang malapad na ngiti sa mukha ni Faith. Kinikilig siya sa binata. Mamahaling tsokolate iyon na nakikita niya lamang sa commercial sa telebisyon.
"Salamat." Sambit ni Faith.
Hahalikan dapat ni Faith sa pisngi si Danny ngunit paganggat niya nang mukha ay saktong sa mga labi nito dumikit ang mga labi niya. Nanglaki ang mga mata ni Faith sa gulat at namula ang kaniyang tenga't mukha. Mabilis na umiwas si Faith kay Danny. Tinalikuran niya ito at naupo sa supa katapat sa inipuan ni Danny. Nabigla siya sa nangyari iyon ang unang halik niya. Tila ba mawawalan siya nang hininga. Parang kumakarera sa tulin ang t***k ng kanyang puso. Buti na lamang ay hindi iyon nakita ng mga magulang niya. Bumalik naman si Danny kinauupuan nito.
"Nagpapakipot pa po kasi si Faith. Kaya ipinagpapaalam ko na ho siya sainyo," Biro ni Danny na may halong tawang pagak habang inaabot sa magulang ni Faith ang dalang pasalubong.
"Eh, Danny alam ba ito ng Mama't Papa mo?"
"Opo, Tay Ruben. Mamaya po ay andito na ang mga 'yon. Dinaanan lang ho 'yong pagkain na pinaluto ni Mama."
"Ay! Aba Danny. Ikaw ba ay nanliligaw o namamanhikan, ah?"
"Tay Ruben, magkaiba ho ba 'yon?"