"Thank you, Doc," sabi ni Andy sa doktor na umasikaso sa daddy niya. Maayos na raw ang kalagayan ng dad niya kaya wala na silang dapat ipag-alala. "Babalik ako mamaya," sabi ng doktor at umalis na nang matapos na kamayan silang mag-ina. "Son, I think I should go," sabi naman ni Madam Angie sa kanya nang sila na lang. "But, Mom..." At ayaw sana ni Andy. Mommy niya ang legal na asawa kaya dapat lang na ito ang mag-asikaso sa kanyang ama. "Alam mo na wala na akong karapatan pa sa Dad mo dahil ipinagpalit na niya ako. Hindi tama na nandito pa ako," sabi pa ni Madam Angie. Hindi na siya nakaimik. Saglit lang ay dumating na nga ang batang mistress ng kanyang ama. Nakipagtinginan sa kanila pero ito rin ang unang nagbawi ng tingin sa kanila. Nahiya siguro. Na dapat lang. Napatiim-bagang si