"Cristine, bakit?" nagtatakang tanong ni Yolly sa pinsan dahil natulala na ito sa hawak na Pregnancy Test Kit. Umayos sila ng tayo. "Yolly, tingnan mo." Ipnakita ni Cristine ang PT sa kanya. Medyo lumaki rin ang mga mata niya dahil negative ang resulta niyon. Iisa lang kasi ang guhit na pula ng PT. "Ano 'yan? Bakit ganyan? Ibig bang sabihin ba niyan, eh, hindi ka buntis?" Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Cristine. "Imposible, Insan. Sigurado ako sa nakita ko nung una. Positive 'to." Napalabi naman siya. "Eh, bakit negative naman ang nandiyan? Hindi kaya naduling ka lang noong una?" "Ewan ko lang." Animo'y lalong na-stress si Cristine. Ngumuso ito't nakasalubong ang mga kilay na nahulog na naman sa malalim na pag-iisip. Naglipat-lipat naman ang tingin ni Yolly sa mukha nito at sa P