EPILOGUE 2

1412 Words

KINAGABIHAN. Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila? "Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol. "'Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan." "Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie. "Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay. Hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kaniya at paminsan-minsan ay akbay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD