"DIYOS ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong, kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan, kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo! Bumalik na naman! Halika, magpapa-salon tayo ngayon din!" Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. Iyon ba naman kasi ang agad na napansin ni Madam Angie. "Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina. Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap. "God, na-miss kitang bata ka." "Na-miss din po kita, Tita." Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwa