May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. "Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Ngumiti rin ang magbabalut. Palibhasa ay ngayon lang nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga. Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly. "Mag-usap tayo," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly. Pero si Yolly parang nalulon na ang dila niya dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Naka